Drummer ng Filipino rock band na Razorback na si Brian Velasco, binawi ang kanyang sariling buhay matapos tumalon sa balkonahe ng kanyang sariling condominium.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nahulog si Brian sa ika-34 na palapag ng Cityland Condominium sa Vito Cruz, Malate, Manila na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Nangyari ang insidente January 16, bandang 9:45 ng umaga.
Ang nasabing ‘suicide’ ay nakunan mismo ni Brian sa kanyang Facebook Live, makikita sa video ang drummer na tila ba’y nagpapaalam na at ang kanyang huling mga salita ay “Pakialagaan niyo na lang si Pochito. Here we go. Here I go” bago siya tumalon at tuluyang bumagsak.
Ayon sa mga imbestigador na nakausap ng Manila Bulletin, bumagsak si Brian sa isang canopy at wala namang ibang nadamay o nasaktan.
Nasaksihan din ng kanyang kapitbahay na si James Orines ang pangyayari at pinakita ang kalungkutan sa isang facebook post, “So my neighbor Brian Velasco (drummer of Razorback) just commited suicide by jumping down from the rooftop while live on FB. Man this sucks… RIP brother.
Kasalukuyang nabura na ang nasabing Facebook Live at humiling naman ang pamilya ng katahimikan habang sila ay nagluluksa.
(Report by Desiree Dolormente & Daisy Liezel Cuison)